Wednesday, March 2, 2011

Hills Like White Elephants Tagalog Translation - Teleserye Mode

"Napakadaling operasyon lamang iyan Jig, sabi ng lalaki. "Hindi nga ito totoong operasyon eh."
Tumingin ang babae sa sahig kung saan ang paa ng lamesa ay nakalapag.
"Alam kong hindi mo na ito pagiisipan pa, Jig. Wala lamang ito. Parang pinapapasok mo lamang ang hangin."
Walang sinabi ang babae.
"Sasama ako sayo at sasamahan kita palagi. Papapasukin lamang nila ang hangin at natural lamang lahat iyon."
"Pagkatapos anong gagawin natin?"
"Pagkatapos ay magiging maayos rin tayo. Tulad lamang ng dati."
"Paano mo naman naisip iyon?"
"Iyan lamang ang tanging bagay na nakakaabala sa amin. Ito ang tanging bagay na  nakapagpapalungkot sa amin"
Ang babae ay tumingin sa tabing na gawa sa butil, inilagay ang kanyang kamay sa labas at hinawakan ang dalawang lubid ng butil.
"At sa tingin mo magiging maayos ang lahat at magiging masaya tayo?"
"Alam kong magiging maayos tayo dalawa. Hindi mo kailangang matakot. Marami na akong kilalang ginawa na rin ito.."
"Ako rin naman," sabi ng babae. "At pagkatapos ay masaya naman silang lahat."
"Kung ganon," sabi ng lalaki, " kung ayaw mo hindi mo ito kailangang gawin. Hindi ko rin naman ipagagawa sayo kung hindi mo rin naman gusto. Ngunit alam kong napakadali lamang niya."
"At gusto mo naman gawin?"
"Alam kong ito ang nararapat nating gawin. Ngunit ayaw kong gawin mo ito kung labag ito sa kalooban mo."
"At kapag ginawa ko ito magiging masaya ka at magiging tulad ng dati at mamahalin mo ako?"
"Mahal naman kita ngayon. Alam mo naman na mahal kita?"
"Alam ko. Ngunit kung gagawin ko ito, magiging maganda ba muli kung sinabi kong ang mga bagay ay parang mga puting elepante, at magugustohan mo ito?"
"Mamahalin ko ito. Mamahalin ko ito ngayon ngunit hindi ko lamang makayang isipin. Alam mo naman kapag ako ay nag-aalala."
"Kapag ginawa ko ito hindi ka na mag-aalala?"
"Hindi ako mag-aalala kasi alam kong napakadali nito gawin."
"Oh sige gagawin ko ito. Dahil hindi ko iniintidi ang sarili ko."
"Anong ibig mong sabihin?" "Dahil hindi ko iniintindi ang sarili ko."
"Ngunit, iniintindi kita."
"Ah, Tama. Pero hindi ko iniintidi ang sarili ko. At gagawin ko ito at lahat ay magiging maayos."
"Ayaw kong gawin mo ito kung ganyan lamang ang nadarama mo."

No comments:

Post a Comment